DILG, nagbigay ng one week extension sa LGUs para ipagpatuloy ang kanilang road clearing operations

93

Nagbigay ng one week extension ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Local Government Units (LGUs) sa buong bansa para ituloy ang road-clearing operations sa kanilang lugar.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ngayong araw, January 15, sana ang deadline para tapusin ang 60-day clearing operation.


Pero, muli itong itinakda sa January 22, 2021 at ang validation ay isasagawa naman sa January 25.

Aniya, layon ng extension na bigyan ng sapat na panahon ang LGUs na humaharap ngayon sa banta ng pandemya at may iba ring pinagkakaabalahan.

Giit pa nito na kahit patapos na ang road clearing operation, ito ay isang year-round activity na kailangang mapanatili ang pagsisikap na maipatupad.

Nakapaloob sa DILG Memorandum Circular No. 2020-145, lahat ng areas sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay kinakailangang ganap maipatupad ang Road Clearing Operation 2.0 hanggang January 15.




Habang ang LGUs na nasa ilalim pa ng General Community Quarantine (GCQ) ay inaasahan na makagawa rin ng partial implementation ng RCO 2.0.

Samantala, suspendido naman ang road clearing operations sa areas na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments