DILG, nagbigay ng tatlong araw sa LGUs at mga kandidato para alisin ang mga campaign material

Binigyan ng tatlong araw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) para tanggalin ang mga campaign waste material.

Bukod sa mga incumbent LGU official, pinakiusapan din ang lahat ng mga kandidato nanalo man o hindi na tumulong sa paglilinis ng kalat sa nagdaang eleksyon.

Paalala ni DILG Secretary Eduardo Año, dapat gawin ng mga local chief executive ang wastong pagtatapon ng mga propaganda material alinsunod sa environmental laws at local ordinances and regulations laban sa illegal dumping, open burning at pagkakalat.


Hinihikayat din ng kalihim ang paggamit ng barangay at LGU material recovery facilities para mangolekta at mag-restore ng mga reusable material.

Hiniling din ni Año ang partisipasyon ng publiko sa clean up drive ng kanilang LGUs at barangay.

Noong 2019 midterm elections, mahigit sa 168.84 tonelada ng campaign materials ang nakolekta ng mga LGU.

Facebook Comments