DILG, naglabas ng memorandum circular sa mga LGU para sa isasagawang earth hour 2017 mamayang gabi

Manila, Philippines – Naniniwala ang World Wide Fund na malaki ang magiging papel ng mga kabataan sa isasagawang earth hour 2017 mamayang gabi.

 

Ayon kay World Wide Fund Philippines Ambassadors Marc Nelson at Mikee Cojaungco-Jaworksi, sa gagawing earth hour ay puwedeng maging bayani ang isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng solusyon sa climate change.

 

Samantala, naniniwala naman ang Department of Interior and Local Government na mas marami pang lugar sa bansa ang makikilahok sa earth hour sa pamamagitan ng memorandum circular na inilabas nito.

 

Inatasan kasi ng DILG ang lahat ng provincial governors, city at municipal mayors, punong barangays, Autonomous Region in Muslim Mindanao Secretary at DILG regional at provincial directors na himuking makilahok ang kanilang mga constituents sa earth hour 2017.

 

Ang earth hour ay nagsimula sa pamamagitan ng symbolic event sa Sydney, Australia isang dekada na ang nakalipas.

 

Mula noon ay marami na ring lugar sa buong mundo ang nakilahok, kabilang na ang 7,000 cities at 178 countries.

 

Umaasa ang World Wide Fund na mas marami pang makikilahok ngayong taon sa isasagawang pagpatay ng ilaw na isasagawa dakong alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi.



Facebook Comments