DILG, nagluluksa sa pagpanaw ni dating Senate President Nene Pimentel

Nagluluksa ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpanaw ni dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, isang “greatest political figure” si Pimentel.

Binanggit ng kalihim ang mga naging kontribusyon ni Pimentel kabilang ang Republic Act 7160 o Local Goverment Code of 1991 na nagbibigay sa mga Local Government Units ng kapangyarihang magbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga residente.


Tiniyak ng dilg na patuloy nilang itataguyod ang adbokasiya ni Pimentel para sa pagbabago at reporma sa pulitika sa pamamagitan ng Constitutional Reform (CORE).

Hinimok din ng DILG ang lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa na bigyang alala ang dating Senador kasabay ng paggunita ng Local Government Month.

Inatasan din ang mga LGU na ilagay sa half-mast ang mga watawat bilang pagrespeto sa itinuturing na ‘Great Advocate of Local Autonomy.’

Facebook Comments