DILG, naglunsad ng sariling information portal para labanan ang fake news sa harap ng COVID-19 pandemic

Upang tapatan ang kumakalat na fake news habang humaharap ang bansa sa pandemya, inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang COVID-19 PH Information Portal nito.

Layon nito na magkaroon ng isang lehitimong daluyan ng makabuluhan at makatotohanang impormasyon sa iba’t ibang lokalidad kaugnay ng mga hakbang, tagumpay sa paglaban sa COVID-19.

Naniniwala si DILG Secretary Eduardo Año na isang makapangyarihang kasangkapan sa pagpapalaganap ng katotohanan ang makabagong teknolohiya sa komunikasyon laluna sa panahon ng public health emergency.


Maaring ma-access ang information portal sa www.lguvscovid.ph.

Ang information portal ay collaborative effort ng DILG at Asia Foundation.

Hinikayat ng DILG chief ang mga Local Government Units (LGUs) na gamitin ng husto ang information portal.

Dapat aniyang armasan ng mga LGUs ang kanilang sarili ng mga impormasyon ng kanilang mga epektibong kaparaanan at mga inspirasyon sa paglaban sa virus.

Facebook Comments