DILG, naglunsad ng “victims information center” sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette

Maglulunsad ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng “victims information center” sa mga fire station sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, layon nito na tulungan ang mga biktima ng bagyo na i-locate ang kanilang mga mahal sa buhay na nawawala.

Aniya, ibigay lamang ng ating mga kababayan sa mga “victims information center” ang detalye ng mga taong nawawala.


Paliwanag ng kalihim, sa sandaling magkaroon ng impormasyon ay agad na magbibigay ng feedback ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa kaanak ng mga missing person.

Sa ngayon, aabot sa 10,674 BFP personnel kabilang ang kanilang mga fire trucks ang idineploy para tumulong sa mga rehiyon na lubhang sinalanta ng bagyo.

Facebook Comments