DILG, nagpaalala sa mga “choosy” sa COVID-19 vaccine; walk-in lane sa mga vaccination center, aprub sa DOH

Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga indibidwal na namimili ng brand ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Interior Usec. Jonathan Malaya, ang sinumang aatras sa pila kapag hindi nito gusto ang brand ng bakuna ay ilalagay sa hulihan.

Aniya, mas mainam pa rin na magpabakuna na kung anong brand ang mayroon bilang proteksyon laban sa COVID-19.


Kasabay nito, hinimok ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang Local Government Units (LGUs) na maglaan ng mga espasyo kung saan maaaring pumila ang mga gustong magpabakuna na hindi naka-schedule.

Aniya, maaari itong gawin kung ito ay makakatulong para maengganyo ang lahat na magpabakuna.

Pero paalala ni Vergeire, kailangang matiyak na organisado ang pila at mahihiwalay ang mga naka-walk-in sa mga naka-schedule.

Facebook Comments