DILG, nagpaalala sa mga local chief executives na ‘wag ilagay ang kanilang pagmumukha sa ibibigay na ayuda sa ating mga kababayan

Mahigpit ang tagubilin ng Department of the Interior and Local Government sa mga local chief executives na ‘wag gamitin sa pamumulitika ang ayudang ipagkakaloob ng national government.

Ang panawagan na ito ni DILG Usec. Jonathan Malaya ay kasunod na rin ng inaasahang pagsisimula nang pamamahagi ng isang libo hanggang apat na libong pisong ayuda sa kada low-income family sa National Capital Region Plus areas na sakop ngayon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Usec. Malaya, bawal lagyan ng pangalan o initials ng pulitiko, maging logo o anumang imahe nito at mahigpit ding ipinagbabawal ang paglalagay ng tarpaulin sa ipagkakaloob na mga ayuda.


Babala ni Malaya sinumang lalabag dito ay kakasuhan ng DILG.

Facebook Comments