DILG, nagpaalala sa mga raliyista na mabilis kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng mass gatherings

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga rally organizer na magsasagawa ng protesta kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag pabayaan ang kalusugan at kapakanan ng mga taong lalahok.

Kaya paalala ni Interior Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, mabilis na kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng mass gatherings.

Nakiusap din si Malaya sa mga organizer na huwag maging bulag sa mga siyentipikong datos at mga ebidensya na mataas ang transmission rate ng virus sa mga lugar na nagkukumpulan ang mga tao.


Nagpaalala rin ang DILG sa mga ito na maging responsableng mamamayan at makibahagi sa paglaban sa pandemya.

Muling iginiit ng ahensya na batay sa IATF Resolution No. 57, ipinagbabawal ang anumang uri ng mass gathering sa gitna ng COVID-19 pandemic tulad ng rally, church gatherings, sports events, concerts, at iba pa.

Facebook Comments