DILG, nagpakalat ng dagdag na mga tauhan sa distribusyon ng ECQ ayuda

Nagpakalat ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng karagdagang tauhan sa lungsod ng Maynila upang i-supervise ang pay-out ng cash assistance ng Manila Social Welfare Department (MSWD).

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, wala nang mangyayaring pagkaantala ng pamamahagi ng ayuda sa mga low-income na pamilya na apektado ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Inatasan ni Secretary Eduardo Año si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Vicente Danao na mag-deploy ng karagdagang opisyal ng pulisya sa lungsod ng Maynila upang matiyak na ipinapatupad ang social distancing sa Maynila sa mga distribution sites.


Facebook Comments