DILG nagpalabas ng La Niña advisory, PDRRMC Zamboanga Del Norte handa na

Zamboanga, Philippines – Nakahanda na ngayon ang Zamboanga Del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa mararanasang mga pag-ulan o sa kahit anumang kalamidad na tatama sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni PDRRMC Action Officer Christopher Zosa, kaugnay naman sa ipinalabas na direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) kamakailan.

Base sa DILG memorandum circular no. 2017-75, inatasan ang lahat ng mga hepe ehekutibo na makikipag-meeting sa mga Local Disaster Risk Reduction Management Councils at gagawa ng pre-disaster risk assessment lalo na sa mga areas na delikado sa baha at landslide.


Hinikayat din ang mga hepe ehekutibo na ihanda ang bagong *La Niña* action plan/oplan tag-ulan na isinumite sa DILG field offices at siguruhin kung ang nasabing local preparedness measures ay bastante ba base naman sa *La Niña* forecast ng PAGASA.

 

Facebook Comments