DILG, nagpalabas ng show cause order laban sa mga barangay officials na may kinalaman sa Sinulog street dance sa Cebu

Naglabas ng show cause order ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga barangay officials na may kinalaman sa Sinulog street dance at procession sa COVID-19 hotspot sa Cebu City.

Iniutos din ni DILG Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na mag-imbestiga at kasuhan ang mga organizers ng event.

Ayon sa DILG Chief, hindi kukunsintihin ng DILG ang anumang paglabag sa quarantine protocols.


Nakarating sa kaalaman ng DILG na daan- daang tao ang lumabas ng kalye sa Sitio Alumnos sa Barangay Basak San Nicolas noong Sabado at nakiisa sa prosisyon at Sinulog street dance.

Sa kabila na ipinagbabawal ang mass gathering bigo umano ang mga otoridad na pigilan ito.

Isa ang Barangay Basak San Nicolas sa 12 barangays sa Cebu City ang inilagay sa lockdown dahil sa mataas na naitatalang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments