DILG, nagsasagawa na ng imbestigasyon tungkol sa umano’y profiling ng mga pulis sa organizers ng community pantry

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa umano’y profiling ng ilang pulis sa mga organizer ng Maginhawa Community Pantry.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, inaalam na nila ang pangalan at kinabibilangang istasyon ng mga sangkot na pulis.

Aniya, kailangan nila ng matibay na ebidensya na may naganap na profiling sa hanay ng mga organizer dahil posibleng propaganda lamang ito ng ilang grupo para sirain ang reputasyon ng gobyerno.


Kasabay nito, hinikayat ni Malaya ang mga organizer na agad na dumulog sa kanilang tanggapan sakaling makaranas ng intimidasyon o harassment mula sa otoridad.

Facebook Comments