DILG, nais ipagbawal ang pangangaroling ngayong taon

Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagbawal ang pangangaroling ngayong Christmas season dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, lumalabas sa mga pag-aaral at sa mga datos na mabilis na naikakalat ang virus kapag mayroong mass singing tulad ng choir at caroling dahil kailangang tanggalin ng mga singer ang kanilang masks habang sila ay umaawit.

Inirerekomenda ni Año na ipatupad ang ‘no caroling’ sa buong bansa.


Para kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, mapanganib lalo na sa mga bata ang mangaroling sa panahong ito.

Bagama’t isa sa tradisyon tuwing Pasko sa Pilipinas ang pangangaroling, hindi ito ipinapahintulot sa kasakuluyang health crisis.

Gayumpaman, hihintayin nila ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil dito.

Facebook Comments