DILG, nakakatanggap ng ulat na may mass gatherings na inoorganisa ang ilang pulitiko

Nakakatanggap ng mga ulat at sumbong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa mga mass gathering na inorganisa ng ilang pulitiko sa harap ng pandemya.

Kaya nagbabala si DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa mga pulitiko na iwasan ang pagsasagawa ng anumang pagtitipon at malakihang pulong.

“Magiging mahigpit po tayo sa mass gathering. I do understand na meron kaming nare-receive na report na nagma-mass gathering o nagsisimula na po ‘yung mga pa-meeting ng mga pulitiko,” ani Densing.


Aniya, ang mga ganitong event ay posibleng maging superspreader event kaya importanteng ipagpaliban muna ito.

“Sana po ‘yung mga politiko mag-dalawang isip muna at huwag munang ituloy itong pa-meeting,” panawagan ni Densing.

Una nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad muli ang pamahalaan ng mas mahigpit na quarantine restrictions kapag kumalat ang Delta variant sa bansa.

Facebook Comments