DILG, nakikipag-ugnayan na sa bansang Portugal kung saan sinasabing nagtatago si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co

Nag-umpisa nang makipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa bansang Portugal para sa pag-aresto kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ngayong nakansela na ang pasaporte ni Co at itinuturing na itong pugante sa batas ay malilimitahan na ang kanyang galaw sa ibayong dagat.

Pero aminado si Remulla na magiging kumplikado ang sitwasyon kung totoo ang mga lumabas na balitang mayroon Portuguese passport si Co.

Isa pa aniyang problema ay ang pagsunod nila sa international law na siguradong magpapatagal sa proseso ng paghili sa akusado.

Kung maalala, naglabas na ang Sandiganbayan ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at directors ng Sunwest Corp. dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa maanomalyang flood control projects.

Noong November 18, nagsampa ang Ombudsman sa Sandiganbayan ng corruption at malversation of public funds charges laban kay Co at iba pang isinasangkot sa maanomalyang ₱289 million flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Facebook Comments