
Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kabataan na gamitin ang social media upang palaganapin ang kahandaan at katatagan ng mga komunidad laban sa sakuna.
Ayon sa DILG, malawak ang impluwensya ng kabataan sa mga online platforms upang isulong ang kahandaan at pagkilos sa oras ng kalamidad para sa mas matatag na pagtutulungan sa disaster management.
Malaki umano ang papel ng kabataan sa pagpapalaganap ng impormasyon at kahandaan sa pamamagitan ng social media.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang kabataan na gamitin ang social media bilang kasangkapan ng adbokasiya, online campaign, at responsableng pag-uulat at pagbabahagi ng verified information gamit ang fact-checking.
Tiniyak ng DILG na handa silang protektahan ang mga kabataang lumalaban sa anumang uri ng pang-aabuso o pagsasamantala habang nakikilahok sa mga DRR initiatives.









