DILG, nanawagan sa mga barangay at local government officials na samahan ang mga susukong napalayang convicts sa himpilan ng pulisya

Ikinatuwa ng Department of Interior and Local Government ang boluntaryong pagsuko ng mga heinous crime convicts sa mga otoridad.

 

Nabatid na ang mga kusang sumuko ay napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA law ng Department of Justice.

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hinihikayat niya ang iba pang napalaya na sumuko na din sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa Bureau of Corrections.


 

Nanawagan din ang kalihim sa mga barangay at local government officials na samahan ang mga napalayang convicts patungo sa mga presinto.

 

Sinabi pa ni Año na matapos ang pagrereview sa GCTA, ang mapapatunayang kwalipikado at nakasunod sa sentesya na iniutos ng korte ay agad din naman makakalaya.

Facebook Comments