Nakiusap ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na gumawa ng error-free list ng mga babakunahan ng COVID-19 vaccines.
Kasunod ito ng natatanggap na ulat ng ahensya hinggil sa posibleng pagkakagulo-gulo ng mga listahan gaya ng nangyari sa Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, ang proseso ng paglilista sa mga recipient ng bakuna ay hindi gaya ng paglilista ng mga benepisyaryo ng SAP.
Kasama aniya sa proseso ang pre-registration at screening.
Para maiwasan ang mali sa priority list ng COVID-19 vaccination rollout, dapat munang idaan ng mga barangay health workers sa screening ang mga recepients para masigurong kwalipikado at bahagi talaga sila ng priority list.
Pagkatapos nito, isusumite ang listahan sa city health office para sa consolidation.