DILG, nanawagan sa mga LGU na iprayoridad ang maayos na access sa malinis na patubig sa kanilang lugar

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na iprayoridad ang access sa malinis na suplay ng tubig at kinakailangang serbisyo ng kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, inaasahan kasing malaki ang matatanggap na budget ng bawat LGU para sa taong 2022.

Aniya, ang kautusang ito ay may kaugnayan sa pagsisimula ng implementasyon ng Mandanas-Garcia ruling kung saan ang LGUs na may waterless communities at malalayong baryo na umaasa pa rin sa mga bukal at balon ang prayoridad ng proyekto sa water and sanitation.


Pero, kinakailangan munang gumagawa ng Devolution Transition Plan (DTPs) o plano ang bawat LGU sa oras na i-turn over na ng national government sa kanila ang responsibilidad sa malalaking proyekto gaya ng patubig.

Facebook Comments