Kasunod ng mga pagluluwag sa restrictions dahil patuloy sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na hindi pa rin maaaring magpabaya ang publiko gayundin ang mga binuksang mga negosyo.
Ayon kay Malaya, ito ay upang hindi matulad ang Pilipinas sa iba pang mga bansa lalo na sa Europe kung saan nagkakaroon muli ng surge ng kaso dahil sa non-compliance ng publiko sa minimum health standards.
Sinabi ni Malaya, binigyang babala nila ang mga business establishment na hindi sumusunod sa protocols lalo na yung hindi na nagre-require ng vaccination card sa mga dine-in customer.
Habang kapag paulit-ulit na ang paglabag ay babawiin nila ang ibinigay na safety seal na pinapayagan sila na magdagdag ng 10% seating capacity at maaari ding humantong sa pagkansela sa kanilang business permit.