DILG ,nanawagan sa publiko tungkol sa vote-buying

 

 

Apat na araw bago ang May 13 midterm elections, umapela na sa publiko ang Department of Interior and Local Government o DILG na isumbong  sa  Commission on Elections , Philippine National Police at  National Bureau of Investigation ang anumang  vote-buying activities.

 

Alinsunod ito sa direktiba ng Comelec Task Force Kontra Bigay na pinangungunahan ni  Commissioner Al Pareño.

 

Magkasama sa  inter-agency Task Force Kontra Bigay  ang Comelec bilang lead agency, DILG, PNP, NBI at Integrated Bar of the Philippines bilang mga miyembro.


 

Kinumpirma ni  DILG Undersecretary at  Spokesperson Jonathan Malaya na  marami nang ulat ang natatanggap ng Comelec ,PNP at DILG  field offices  kaugnay sa talamak na  vote buying incidents sa maraming lugar sa bansa.

 

Para matigil ang vote-buying, dapat makiisa  ang  publiko  at tulungan ang gobyerno.

 

Pinaalalahanan din ng DILG ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang vote-buying at  vote-selling sa ilalim ng  Omnibus Election Code .

 

Aniya, may katapat   na kaparusahan na pagkakakulong ng hanggang anim na taon at diskwalipikasyon sa paghawak ng tungkulin sa gobyerno ang sinumang mapatunayang gumawa nito.

Facebook Comments