DILG, nanawagan sa sambayanan na ipakita ang patriyotismo sa pagtatanggol sa kasarinlan ng bansa

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa sambayanan na ipakita ang matatag na diwa ng patriyotismo sa pamamagitan pagtatanggol sa kasarinlan ng bansa.

Ginawa ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pahayag bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

Inihalimbawa ni Abalos ang mga sakripisyo ng ating mga bayani na hindi nagpasiil sa puwersa ng mga dayuhan upang palayain ang ating bayan mula sa pananakop.


Dapat din aniyang alalahanin ang modern-day heroes na naglilingkod sa bayan tungo sa kaunlaran.

Facebook Comments