DILG, nangangamba na high-risk para sa COVID transmission ang mga ginagawang rally kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte

Nababahala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na high-risk para sa COVID transmission ang mga ilulunsad na iba’t ibang pagkilos kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, humingi ng pang-unawa sa publiko ni Undersecretary at DILG Spokesperson Jonathan Malaya kung bakit kinakailangang isailalim sa mga regulasyon ng otoridad ang mass gatherings.

Naniniwala ang DILG na ang anumang mass gatherings tulad ng rally, church gatherings at iba pa ay vectors ng COVID-19.


Aniya, bagama’t kinikilala ng pamahalaan ang karapatan sa pagpapahayag, nasa ilalim ng pandemya ang buong mundo kung kaya’t tungkulin ng otoridad na protektahan ang kalusugan ng publiko.

Facebook Comments