DILG, naniniwala na malaki ang kontribusyon sa turismo ng pagbaba ng mga kriminalidad sa area ng Mindanao

Manila, Philippines – Nainiwala ang pamunuan ng Department of Interior of Local Government na malaki ang kontribusyon sa turismo ng pagbaba ng mga nangyayaring kriminalidad sa area ng Mindanao.

Ayon kay DILG OIC Catalino Cuy inireport umano sa kanya ng PNP na may positibong development dahil mayroon umanong pagbaba ng trend ng kriminalidad sa buong Northern Mindanao Area at kapag ito umanoy nagpatuloy makikinabang dito ang Industriya ng Turismo sa Rehiyon na isa sa lubhang naapektuhang Sektor dahil sa krises sa Mindanao.

Sabi ni Cuy ang PNP at AFP ay malaki ang naitulong upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa naturang Rehiyon.


Pakiusap ni Cuy sa publiko na unawain ang militar at pulisya sa kanilang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoints pa na rin sa kaligtasan ng bawat isa na naninirahan sa Marawi City.

Giit ni Cuy nakikita ng publiko kung gaano ka-kritikal ang kilos ng gobyerno para maiwasan ang Terorismo at kumalat pa sa ibang lugar sa Mindanao kaya malaki umano ang tulong at partisipasyon ng taongbayan upang magtagumpay sa kanilang minimithi na magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa buong Mindanao.

Facebook Comments