Naniniwala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na 80% ng mga lokal na pamahalaan ay gumalaw at nakasunod sa Nationwide Road Clearing Operations.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, apat ang bubusiin ng mga pinakalat na verification team.
Babala ng kalihim, ang mga hindi makakasunod ay papanagutin at sususpindehin.
Sinabi naman ni DILG Usec. Jonathan Malaya, nasa barangay na ang responsibilidad para panatilihing malinis at walang sagabal ang mga kalsada.
Bibigyan ng DILG ang mga hindi papasang mga mayor ng pagkakataon para makapagpaliwanag kung bakit hindi sila nakasunod sa utos bago ipataw ang suspensyon.
Facebook Comments