DILG, naniniwalang dapat hiwalay ang pagboto ng Kamara at Senado sa Economic CORE issue

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na dapat ay hiwalay ang pagboto ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa proposed amendments sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Ang DILG ay siyang tagapamuno ng Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform.

Sang-ayon si Malaya sa posisyon nina House Speaker Lord Allan Velasco at Rep. Alfredo Garbin Jr., chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na hiwalay ang pagboto ng mga kongresista.


Pareho aniyang hiwalay ang membership, leadership at rules ng Kamara at Senado kaya ideal at doable ang hiwalay na botohan.

Dagdag ni Malaya, pinakamabilis na legislative action ang pag-convene ng Constituent Assembly upang maipasa na ang panukalang baguhin ang ilang economic provisions ng saligang batas.

Facebook Comments