DILG, naniniwalang Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng Jolo twin bombing

Pinatotohanan ni Interior Secretary Eduardo Año na mag-asawang Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng pagpapasabog sa Jolo Cathedral.

Sa dinaluhan nitong event sa Palo, Leyte sinabi ni Año na Indonesian bombers ang nagpasabog at may gabay ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Naroroon din aniya sa lugar ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at tinulungan pa ang mag-asawa nang dumating sa simbahan.


Matatandaang binanggit din ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-asawa ang nagpasabog sa naturang simbahan noong January 27.

Umabot na sa 22 ang nasawi sa nasabing pagsabog.

Facebook Comments