DILG, naniniwalang magpapalago ng mga lalawigan ang ‘Balik Probinsya’ program ng pamahalaan

Welcome sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-isyu ng Executive Order 114 na nagpapasimula ng “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” (BP²) Program.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, napapanahon at kinakailangan na ito sa pagpapalago ng mga lalawigan at pagtugon sa iba pang problemang panlipunan, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang bahagi ng bansa.

Paliwanag pa ni Año, ang BP2 Program ay bahagi na ng patakaran ng pamahalaan kung saan makikita dito ang malaking oportunidad tungo sa pantay na distribusyon ng mga pondo, paglago at pag-unlad na maaari nang makamtan ng mga Local Government Unit (LGUs).


Dagdag pa ng kalihim, hindi raw katulad ngayon na ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakatutok lamang sa Metro Manila at ibang Highly-Urbanized Cities.

Matagal na ring pinangungunahan ng DILG ang equitable distribution of growth and wealth na siya ring isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments