DILG, naniniwalang malapit nang matunton si Alice Guo

Patuloy ang ginagawang koordinasyon ng pamahalaan sa gobyerno ng ibang bansa para maaresto si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benhur Abalos, pwedeng sabihin na malapit nang mahanap si Guo.

Pero bukod dito ay hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Abalos sa status ng paghahanap kay Guo dahil nagpapatuloy ang operasyon ng pamahalaan.


Ginagawa naman daw ng pamahalaan ang lahat para mahuli ang dating alkalde tulad ng ginawa sa paghahanap kila Shiela Guo at Cassandra Li Ong na napabalik sa bansa kahapon.

Malaking bagay rin daw ang pagkakadakip sa dalawa para mahanap si Guo.

Facebook Comments