DILG, NAPOLCOM – hindi palalampasin ang ginawang abuse ng mag-amang Garin

Manila, Philippines – Hindi palalampasin ng Department of Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM) ang ginawang pang-abuso sa kapangyarihan nina Iloilo Representative Richard Garin at anak nito na si Iloilo Mayor Oscar Garin.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – pinakita lamang ng mag-amang Garin ang kanilang pagiging arogante.

Nararapat lamang aniya sila na maparusahan.


Aminado naman si NAPOLCOM Vice Chairperson, Atty. Rogelio Casurao – na may pagkakataong naabuso ang deputation authority kung saan ito ang kapangyarihang ibinibigay sa mga local chief executive para pamunuan at pangasiwaan ang mga pulis na kanyang nasasakupan.

Samantala, pwede ring maharap sa ethics complaint sa kamara si Congressman Garin kung may kasamahan ito na maghahain ng reklamo sa House Ethics Committee.

Facebook Comments