Aabutin pa ng 2 linggo bago malaman ang epekto ng paglalagay sa Alert Level 1 ng National Capital Region (NCR) at 38 pang lugar sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa agad masasabi kung tataas ang mga kaso sa mga susunod na araw dahil sa ginawang pagluluwag ng alert level.
Sa ilalim ng Alert Level 1, full capacity na ang mga establisyimento at 100% na rin ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon.
Samantala, inihayag din ng Department of Health (DOH) na tuwing Lunes na lamang sila maglalabas ng COVID-19 bulletin simula sa Marso 7.
Sabi ni Vergeire, nakatutok na lamang ang weekly tally sa ang mga severe at kritikal na kaso, ICU utilization at mga bagong variant of concern.
Facebook Comments