Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi isinusulong ng mga alkalde ang pag-aalis ng term limits.
Ito ang binigyang diin ng DILG matapos magpasa ng resolusyon ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa ahensya.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, hindi pinipilit ng mga alkalde ang term extension sa gitna ng mga pag-uusap para amyendahan ang 1987 Constitution.
Sinabi ni Malaya na nais lamang ng mga alkalde na magkaroon ng economic at social development sa kanilang bayan.
Ang resolusyon ay ipapadala kay House Speaker Alan Peter Cayetano at kay House Committee on Constitutional Amendments Chairperson Rufus Rodriquez.
Una nang sinabi ni Rodriguez na magko-convene sila para talakayin ang ilang repormang ipinapanukala ng LMP dalawang linggo pagkatapos ang pagbubukas ng ikalawang regular session ng 18th Congress sa July 27.