DILG, nilinaw na hindi itinigil ang pamamahagi ng bagong ayuda

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi totoong ititigil na ang pamamahagi ng bagong ayuda ng national government ngayong na sa ilalim na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status ang mga lugar sa NCR Plus.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, tuloy-tuloy ang distribusyon ng ₱22.9 billion na ayuda.

Ani Malaya ,mula sa ₱1.7 billion na ayuda funds naipamigay na, ₱1.574 billion (14.10%) ay mula sa National Capital Region (NCR), ₱24.015 million (0.81%)- Bulacan, ₱34.565 million (1%)-Cavite, ₱28.564 million (1.05%) -Laguna, and ₱95.197 million (3.64%) -Rizal.


Dagdag ni malaya, maayos ang distribusyon ng ayuda sa NCR habang nagsimula na rin ang ibang mga lugar.

Mayroon aniyang ipinatutupad na safeguards para maiwasan ang korapsyon sa ECQ cash distrubution katulad ng pag-post sa social media ng mga pangalan ng mga benepisaryo sa mga websites ng mga Local Government Unit (LGU) at pag-monitor ng isang Grievance and Appeals Committee bawat LGU.

Facebook Comments