DILG, nilinaw na hindi kailangan ng waiver sa mga gustong magpabakuna laban sa COVID-19

Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang mga gustong magpabakuna laban sa COVID-19 ay hindi kailangang pumirma ng waiver.

Ito ang inilinaw ng kagawaran sa harap ng mga haka-haka na ang mga dokumento ay isang uri ng authorization mula sa mga bakuna na wala silang magiging pananagutan sa anumang mangyayari sa mga matuturukan nito.

Ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang kailangang pirmahan ay isang informed concent kung saan ang mga mababakunahan ay dumaan sa maayos na screening.


Ang informed consent ay para lamang sa Emergency Use Authority (EUA),

Sa mga gustong magpabakuna ay kailangang sabihin kung mayroon silang anumang allergies habang sila ay inaabisuhan ng mga health workers sa mga benepisyo at risks ng bakuna.

Iginiit ng DILG na mayroong COVAX compensation fund na nakapaloob sa health package sa ilalim ng PhilHealth sakaling may indibiduwal na magkaroon ng serious adverse effects.

Facebook Comments