DILG, nilinaw na hindi kasama ang mga subdivision sa clearing operations

1819

Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi kasama ang mga subdivision sa paglilinis sa mga kalsada o road clearing.

Ito ay matapos tibagin ang isang guardhouse na bahagi ng isang subdivision sa Quezon City bilang bahagi ng clearing operations.


Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya – sakop lamang ng road clearing directive ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mga public road.

Nagpatawag na ng emergency meeting ang mga homeowners ng Varsity Hills para pag-usapan ang magiging sunod na hakbang.

Sinubukan pa ng mga homeowners na kumuha ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagwasak sa guardhouse pero hindi ito pinagbigyan ng korte.

Facebook Comments

From Advertisers