Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na wala pang ipinapatupad ang Pilipinas na travel ban sa iba pang bansa.
Ito ay sa gitna ng bagong COVID-19 strain na nagmula sa United Kingdom.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bago ikonsidera ang travel ban sa isang bansa, kailangang mayroong ‘community transmission’ na hindi kayang kontrolin.
Hindi pa masabi ni Año, kung magpapatupad ng panibagong lockdown dahil sa pagkakadiskubre ng bagong uri ng COVID-19.
Ang magandang depensa sa virus ay ang hindi nagpapakampante at pagsunod sa health protocols.
Paulit-ulit na apela ni Año na sumunod sa quarantine protocols para mapigilan ang muling pagtaas ng COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments