DILG, pagpapaliwanagin ang mga lokal na opisyal na ‘missing in action’ sa kasagsagan ni Usman

Pagpapaliwanagin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ilang lokal na opisyal na wala sa kanilang nasasakupan noong manalasa ang bagyong Usman.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, humigit kumulang 10 alkalde at 20 barangay official ang padadalhan nila ng sulat para makapagpaliwanag.

Aniya, malinaw sa local government code na hindi dapat iwan ng mga opsiyal ang kanilang nasasakupan sa oras ng kalamidad.


Babala ni Diño, may kaakibat na parusa sakaling mapatunayag iniwan ng mga opisyal ang kanilang nasasakupan noon kasagsagan ng bagyo.

Facebook Comments