DILG PANGASINAN, MULING NAGPAALALA SA MGA LOCAL CANDIDATES SA KATATAPOS NA ELEKSYON NA MAGSUMITE NG KANILANG SOCE

Ilang araw bago ang deadline ng filing ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE sa June 8, muling nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) Pangasinan sa mga local candidates na nakibahagi sa National and Local Elections ngayong taon na huwag kalimutang magsumite nito sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa inilabas na Advisory ng DILG Pangasinan sa lahat ng cluster leaders ng probinsya noong ika-30 ng Mayo, kailangang paalalahanan ang mga nanalo o natalo sa halalan na kailangang magpasa ng kanilang SOCE.
Ang pagpapasa ng SOCE ay isang obligasyon ng mga kumandidato tatlumpung araw bago matapos ang eleksyon.

Hindi umano makakaupo sa puwesto sa darating na June 30 ang sinomang nanalo na hindi makakapagsumite ng kanyang SOCE.
Ang mga mabibigong makapagsumite ng SOCE ay may kasong kakaharapin at multa.
Ayon sa COMELEC, wala ng ekstensyon ang pagpapasa ng SOCE at hindi na sila tatanggap ng SOCE matapos ang naturang palugit.| ifmnews
Facebook Comments