Manila, Philippines – Patuloy na nakatutok sa kampanya laban sa ilegal na droga ang Department of Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA region.
Sa interview ng RMN kay DILG MIMAROPA Assistant Regional Director Karl Ceasar Rimando – binuo nila ang programang “masamasid” o mamamayang ayaw sa anomalya at mamamayang ayaw sa iligal na droga bilang tugon sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Rimando – ito ay isang programang nakabase sa komunidad para malabanan at maiwasan ang krimen, katiwalian at paggamit ng ilegal na droga.
Nakapaloob din dito na hikayatin ang ibat-ibang sangay ng lipunan, kabilang na ang mga pribadong indibidwal at mga taga-simbahan na palakasin ang pagkakaisa sa buong pamayanan.
Katuwang ng DILG sa masamasid program ang ibat-ibang government agencies kabilang ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).