DILG, pina-iisyu ang PNP ng circular para sa pag-ban sa mga pulis na uminom sa mga pampublikong lugar

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na pagbawalan ang mga pulis na uminom sa pampublikong lugar.

Kasunod na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – pina-iisyu na niya sa PNP ang kaukulang administrative circular na nagbabawal sa mga pulis na uminom lalo na sa mga bar at nightclub.


Babala ng kalihim na mahaharap sa kasong administratibo ang sinumang pulis na lalabag kabilang ang dereliction of duty, insubordination at gross neglect of duty.

Sinabi naman ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – may inilabas na silang direktiba na off limits sa pulisya ang mga karaoke bars, nightclubs, pubs at iba pang pampublikong lugar.

Aniya, ang paglabag sa kautusan ay katumbas ng grave misconduct na mapaparusahan sa pamamagitan ng dismissal mula sa serbisyo.

Giit ni Albayalde – ang pag-inom sa pampublikong lugar habang naka-uniporme ay paglabag sa kanilang Code of Professional Conduct and Ethical Standards.

Payo ng DILG sa mga pulis na sa bahay na lamang uminom.

Facebook Comments