Hinimok ni House Committee on Health Chairman Angelina Tan ang DILG na tumulong sa DOH sa pagpapaabot ng mahahalagang impormasyon kaugnay sa COVID-19.
Ayon kay Tan, dapat ire-calibrate ang information dissemination ng pamahalaan upang matiyak na makaabot ito sa grass roots level.
Napatunayan na ang pagiging epektibo ng DILG sa pag-cascade ng impormasyon mula national government patungo sa mga barangay at pamilya sa mga programa tulad ng anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.
Hiniling din nito sa DOH na i-declutter ang kanilang DOH COVID-19 Viber group.
Tanging ang mahahalagang impormasyon lamang ang dapat i-post dito upang hindi ma-overwhelm ang publiko na nakababasa nito.
Hinimok rin ni Tan ang Philippine Information Agency na magsagawa ng monitoring at assessment sa information strategy ng pamahalaan upang mapagbuti pa ito sa mga susunod na panahon.