DILG, pinagdodoble kayod ang mga LGU na mabakunahan ang 70 % sa kabuuang populasyon bago magtapos ang taon

Sinabi ni Secretary Eduardo Año, ngayong mayroong 40 million dose ng COVID vaccines ang dadalhin sa mga probinsiya, dapat nang pabilisin ang vaccination efforts sa general population.

As of October 24, mayroong 55,71 million doses ng bakuna ang naiturok na sa buong bansa.

Abot sa 30 million na indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang first dose habang 25.71 million naman na ang fully vaccinated.


Inatasan ni Año, ang mga panlalawigang pamahalaan na i-distribute sa loob ng tatlong araw sa kanilang mga component cities at municipalities ang mga vaccine supplies upang maiwasan ang vaccine wastage.

Dapat namang maiturok na sa mga qualified recipients ang vaccine ng hindi lalampas sa labing limang araw matapos matanggap ang supply.

Babala ng Kalihim, sinumang magiging balakid o mag-aantala sa implementasyon ng vaccination program ay mahaharap sa mabigat na kaparusahan.

Facebook Comments