Hinimok ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU) mula Region 1 hanggang Region 4 na manatiling alerto.
Ipatupad pa rin ang kritikal na paghahanda para sa mga potensyal na lindol at tsunami.
Ito’y sa kabila ng inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na bumaba na ang mga naitatalang lindol sa Manila Trench.
Ayon sa PHIVOLCS, may isang naitalang aktibidad noong December 24 at 25.
Inaatasan ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga local chief executives na pulungin ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils upang makapagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessments batay sa manwal ng Operation L!STO.
Inalerto rin ng DILG ang publiko, lalo na ang mga naninirahan sa mga komunidad sa baybayin, na subaybayan ang mga natural na senyales ng papalapit na tsunami.
Agad na lumipat sa matataas na lugar o malayo sa dalampasigan kung may makikitang senyales ng tsunami.