
Pinapa-activate na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga local government units sa mga Nando-affected regions ang kanilang preparedness and mitigation measures bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Opong.
Ayon sa DILG, nanatiling bulnerable ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas.
Inatasan ng DILG ang mga local government units (LGUs) na i-convene ang kanilang local Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs) at magsagawa ng pre-disaster risk assessments kaugnay ng storm surge, pagbaha at iba pang hydrometeorological hazards.
Gayundin ang pagpapatupad ng preemptive o mandatory evacuation sa mga komunidad na nasa ilalim ng heavy rainfall warning.
Inatasan ng DILG ang mga LGUs na magpatupad ng mga critical preparedness measures sa ilalim ng Operation Listo protocols sa antas ng barangay, partikular sa mga lugar na inuulan pa rin at bulnerable sa pagbaha at landslide.









