Pinagsabihan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si QC Task Force Disiplina Head Rannie Ludovica na iwasang maglabas ng ‘improper at illegal statements’.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang ‘di umano’y “shoot to kill” threat sa FB post ng opisyal laban sa quarantine violators sa Quezon City ay hindi tama at iligal.
Naniniwala ang DILG na ang disiplina ay isa sa preventive measures para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus, na dapat maipatupad nang may limitasyon.
Dagdag ni Malaya, hindi kukunsintihin ng DILG ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan sa parte ng law enforcement agencies o enforcement units ng Local Government Units (LGUs).
Ang pagpataw ng penalties ng LGUs laban sa quarantine violators ay nakabase sa kanilang mga ordinansa.
Naniniwala naman ang DILG na ang FB post ni Ludovica ay hindi dapat ituring na literal kundi expression ng pagkadismaya sa mga pasaway.
Dapat maging maingat din ang department heads sa kanilang pag-post sa social media dahil posibleng mabigyan lang ng maling enterpretasyon ng publiko.