DILG, pinagsusumite ang mga barangay ng listahan ng mga unvaccinated resident sa kanilang lugar

Pinagsusumite ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay sa bansa ng listahan ng residenteng hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nagpalabas na ng memorandum circular si Secretary Eduardo Año ukol dito.

Aniya, sa pamamagitan ng listahan ay maipapatupad ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang mobility o galaw ng mga hindi pa bakunado.


Maliban dito, magagamit din aniya ito ng mga Local Government Unit (LGU) para sa pagpapatupad ng kanilang ordinansa.

“Para po masiguro iyong datos natin ng mga unvaccinated nagpalabas po si Secretary Año ng Memorandum Circular para magsagawa ng imbentaryo ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman iyong mga hindi pa nagpapabakuna sa mga barangay in line with the pronouncement of the President na i-restrain o re-strict iyong movement ng ating mga unvaccinated individuals,” ani Malaya

Facebook Comments