DILG, pinaiimbestigahan na ang kontrobersyal na birthday party ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas

Inatasan na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police na magkasa ng imbestigasyon hinggil sa kontrobersyal na birthday party ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas.

Sa virtual press conference sa Malakanyang, sinabi ni Año na pinauubaya na niya sa PNP ang imbestigasyon kung may mga paglabag ni Sinas.

Sabi ni Año, sa mga panahong nasa ilalim ang Metro Manila ng Enhanced Community Quarantine, dapat ay wala munang selebrasyon sa ngalan ng delicadeza.


Paliwanag pa ng Kalihim, ang mga opisyal ang siyang dapat na magsilbi bilang role model para sa mas nakararami.

May 8, 2020, nagdiwang ang NCRPO Chief ng kanyang ika-55 taong kaarawan kung saan sinorpresa siya ng kanyang mga kabaro at ito ay parte ng kanilang tinatawag na Mañanita tradition.

Sa mga kumalat ng litrato online, makikita na nakasuot naman ng face mask ang mga dumalo pero nalabag nila ang polisiya ng pamahalaan na bawal ang mass gatherings o pagtitipon tipon , maging ang social distancing.

Facebook Comments