DILG, pinaiimbestigahan na sa PNP ang pagpatay sa isang curfew violator sa lungsod ng Maynila

Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police na imbestigahan ang insidente ng pamamaril na ikinasawi ng isang curfew violator sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, hindi nila kinukunsinte ang ganitong posibleng mga pang-aabuso.

Noong Sabado, Agosto 7 ay binaril ni Barangay Peace and Security Officer Cesar Panlaqui ang 59 anyos na lalaking may problema umano sa pag-iisip na may dalang laruan na baril.


Samantala, kahapon ay inaresto na si Panlaqui habang nakuha sa kaniya ang isang baril na walang papeles.

Facebook Comments