DILG, pinaimbestigahan ang pagbubukas ng mga negosyo sa Tagaytay City na saklaw ng 14km danger zone ng Bulkang Taal

Pinaiimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung may nagawang paglabag sa batas ang lokal na pamahalaan ng Tagaytay City.

Ito ay makaraang payagan nito ang mga negosyo na magbukas sa kabila ng pagkakapaloob ng ilan sa mga ito sa danger zone  sa harap ng panganib ng pagputok ng bulkan.

Sinabi ni DILG Director Edgar Allen Tabell na bagamat may kalayaan naman ng mga lokal na ehekutibo na magpasya para sa kanilang nasasakupan, marami ang kinakailangang ikonsidera.


Kabilang na rito ang kaligtasan ng mga empleyadong labis ding apektado ng kalamidad gayundin ng mga parokyanong tutungo sa lungsod para tangkilikin ang kanilang negosyo.

Kasunod nito sinabi rin ni Tabel na pinag-aaralan na rin nila kung maaari bang managot ang negosyong magbubukas kahit pa sila ay nasa labas ng danger zone subalit nasa ridge ng Tagaytay at malapit pa rin sa Bulkang Taal.

Facebook Comments